-- Advertisements --
deped
Students wearing protective masks join a school activity in Manila, Philippines on Friday, Jan. 31, 2020. The World Health Organization declared the outbreak sparked by a new virus in China that has spread to more than a dozen countries a global emergency after the number of cases spiked more than tenfold in a week, including the highest death toll in a 24-hour period reported Friday. Health officials in the country recently confirmed the Philippines’ first case of the new virus. (AP Photo/Aaron Favila)

Target ng DepEd na ilunsad ang bagong curriculum para sa Kinder hanggang Grade 10 (K to 10) sa school year 2024-2025.

Sinabi ng tagapagsalita ng DepEd na si Michael Poa na ang ahensya ay nagtitipon ng feedback ng publiko sa draft ng K to 10 curriculum.

Aniya, nais ng nasabing departamento na makuha ang komento ng publiko ukol sa nasabing usapin upang malaman nila at pag-aralan kung ano pa ang mga kinakailangan sa pagpapatupad nito.

Kaugnay niyan, ang pagsusuri ng curriculum ng Senior High School ay nasa yugto na ng konsultasyon.

Sinabi ni Poa na susundan ito ng review proper, revision, at paglalabas ng draft curriculum “for transparency.”

Isinasapinal na rin ng DepEd ang school calendar para sa susunod na SY 2023-2024.

Ang kasalukuyang school year ay nagsimula noong August 22, 2022 at magtatapos naman sa July 7, 2023.