-- Advertisements --

Pinaalalahanan ni Education Secretary Leonor Briones ang lahat ng guro na magsisilbi sa halalan na iwasan ang ano mang partisan activity sa Lunes.

Sa isang statement sinabi ni Briones kailangan umanong hindi makibahagi sa electioneering at iba pang partisan political activities ang guro.

Dagdag ng kalihim na hindi dapat gamitin ng mga guro ang kanilang posisyon para impluwensihan ang mga teaching at non teaching personnel.

Ayon sa Department of Education (DepEd) aabot sa 531,307 ng kanilang mga opisyal, guro at personnel ang makikibahagi sa 2019 midterm polls.