-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa publiko na tatanggap pa rin sila ng mga enrollment applications hanggang Hunyo 30.

“DepEd will still accept Learner Enrollment Survey Form (LESF) submitted remotely or via drop boxes on or before June 30, the end date of the enrollment period for School Year 2020-2021,” saad ng DepEd sa isang pahayag.

Samantala, para naman sa mga may tanong sa enrollment o sa iba pang paksa, sinabi ng kagawaran na mangyaring magtungo lamang daw sa pinakamalapit na division office o sa paaralan.

Maaari rin aniyang humingi ng tulong ang mga magulang at mga estudyante sa kani-kanilang barangay para sa pagsusumite ng LESF bilang bahagi ng enrollment process.

Sa pinakahuling datos mula sa DepEd, umabot na sa mahigit 15-milyon ang mga nagpatala sa buong bansa para sa Kindergarten hanggang Grade 12.

Sa nasabing bilang, 14.5-milyong estudyante na ang nag-enroll sa mga public schools, habang mahigit 600,000 naman sa mga pribadong institusyon.