-- Advertisements --

Umapela ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang at nakatatanda na makipagtulungan sa kanila upang maiwasan ang dayaan ngayong sa bahay lamang mag-aaral ang mga estudyante dahil sa distance learning.

Una rito, inihayag ng DepEd na kanila munang tatanggalin ang periodical exam ng mga mag-aaral para walang mangyaring pandaraya.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, bago pa man ang pandemya ay malaking hamon na raw sa mga guro ang distance cheating.

Sa kabila nito, inihayag ng kalihim na may ilang mga paaralan na ang nagpatupad ng mga diskarte sa pagkalkula ng grado at sa pag-assess ng performance ng mga bata.

“They have methods that they have developed and in the DepEd, we have also developed these methods that they can use for assessment,” wika ni Briones.

Sa panig naman ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio, sinabi nito na nirerepaso na ang assessment para sa mga estudyante ngayong school year.

“We are dispensing with the periodical exams in our proposed revised policy on assessment of learning. We’ll do written outputs and performance tasks,” ani San Antonio.

“This is the best time for us, so we are appealing to the parents, grandparents, and adults to help DepEd actually reinforce the value of honesty,” dagdag nito.