Umapela ang Department of Education (DepEd) sa mga pribadong paaralan na ipagpaliban muna umano ang planong pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin para sa nalalapit na school year 2020-2021.
Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na kaugnay pa rin ito sa mga problemang pinansyal na inaashaang mararanasan ng mga magulang at mga estudyante bunsod pa rin ng coronavirus pandemic.
Sa tingin ng kagawaran, “praktikal” lamang para sa mga pribadong eskwelahan na huwag munang taasan ang tuition at iba pang bayarin.
“The Department shall endeavor to make any application of private schools of tuition increases transparent and reasonable, in accordance with the applicable laws and rules and regulations,” saad ng DepEd.
Binanggit din ng DepEd ang Section 42 ng Batas Pambansa Blg. 232 o ang “Education Act of 1982” kung saan nakasaad ang regulasyon tungkol sa tuition rate at iba pang school charges ng mga private school, ngunit dapat na sang-ayon sa pamantayan ng ahensya.
Matatagpuan naman sa DepEd Order No. 88, s. 2010 o kilala rin bilang 2010 Revised Manual of Regulations for Private Schools in Basic Education ang guidelines para sa tuition fee at miscellaneous charge.
“Private schools shall be guided by the provisions of the said DepEd Order on the application for increase, required consultation, and proper allocation of tuition fees,” dagdag nito.