-- Advertisements --

Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga guro na magbigay lamang ng makatuwirang bilang ng mga gawain ang mga estudyante ngayong sa paaralan lamang nag-aaral ang mga ito bunsod ng coronavirus pandemic.

Kasunod na rin ito ng reklamo ng ilang mga bata na masyado raw marami ang pinagagawa sa kanila ng kanilang mga teachers.

Ayon kay DepEd Usec. Diosdado San Antonio, pupuwedeng gawing optional ang ilang mga aktibidad sa self-learning modules para hindi masyadong mapagod ang mga mag-aaral.

Bahala na rin daw ang mga school heads at mga teachers na magpasya kung anong mga aktibibidad ang gagawing optional pansamantala.

“Sila na po mismo ang maga-agree kung ano iyong reasonable [workload] kasi ayaw naman natin na ‘yong excitement ng mga bata na matuto ay ma-convert into burnout,” wika ni San Antonio.

“Kung ano lang iyong kaya ng bata, iyon lang muna ang isumite. Hindi naman ito dapat panahon na super higpit tayo,” dagdag nito.

Muli ring binigyang-diin ni San Antonio ang polisiya ng kagawaran kung saan nakasaad na dapat ay hindi nagbibigay ng karagdagang schoolwork ang mga guro sa mga mag-aaral tuwing weekends.