Naniniwala ng Department of Education (DepEd) na masyado pa umanong maaga para sabihin kung bumaba nang husto ang kalidad ng edukasyon sa bansa ngayong taon.
Maliban kasi sa epekto ng COVID-19 pandemic, naging malaking abala rin sa mga mag-aaral kamakailan ang pagsuspinde ng klase sa ilang mga lugar dahil sa naranasang mga kalamidad.
“It is perhaps too early after two months to decide or say that quality of education has declined because there are already criticisms even before the pandemic, we have very serious challenges in education,” wika ni DepEd Sec. Leonor Briones.
Natuto na rin daw ang mga education stakeholders na maging matatag sa kabila ng mga nararanasang sakuna.
Paliwanag pa ni Briones, maaaring i-adjust ng mga apektadong paaralan ang kanilang school calendar, o hindi kaya ay magsagawa ng weekend classes o bawasan lalo ang mga requirements sa mga estudyante.
It happens all the time. But this time of course it is much more complex but it would not necessarily call for total closure. Other countries are coping and we have the capacity also to cope,” ani Briones.