Babantayan ni Education Secretary Sonny Angara ang compliance ng mga paaralan pagdating sa pag implimenta ng kanilang anti-bullying policy.
Ayon kay Angara, required ang bawat paaralan na magkaroon ng anti-bullying policy. Bagamat hindi sinasabi ng batas kung gaano umano ka istrikto, kinakailangan pa rin na magkaroon ng polisiya hinggil dito.
Nabanggit din ni Angara ang kakulangan sa guidance councilors, halos 5,000 raw ang bakanteng posisyon. Kaya naman magsisikap ang DepEd, Commission on Higher Educatiom, at ang Civil Service Commission para matugunan ito.
Ayon pa sa Kalihim, umaasa siya na sana ay mapunan muna ang 5,000 bakanteng posisyon ng kahit mga gaduates ng guidance counseling at psychology. Bigyan din daw sana ito ng palugit o limang taon para makakuha ng kinakailangang credentials.
Maliban pa rito, una nanag iniulat na ayon kay Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) executive director Karol Mark Yee, hindi lang ang mga ito ang problema dahil nabanggit din daw ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na may nabasa siyang article batay sa Singapore study, na ang bansa na may ‘loneliest’ o may pinakamalungkot na mga estudyante ay ang Pilipinas.