-- Advertisements --

Hiniling ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang tulong ng mga opisyal at empleyado ng nasabing ahensiya para tugunan ang problema sa basic education.

Sinabi nito na magsasagawa ito ng constructive dialogue sa mga kawani sa mga susunod na araw para makahanap agad ng solusyon.

Binigyang halaga nito na marapat na maintindihan ng bawat isa ng mga kinakaharap na problema para mahakanap ng solusyon.

Magugunitang naghayag ng mga bagong programa ang kalihim para sa ikakaganda ng sangay ng edukasyon sa bansa.