-- Advertisements --

Nagpaabot ng pagbati si Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara para sa mga magtatapos ngayong taon para sa sa school year 2024-2025.

Sa kaniyang pahayag, pinaalalahanan ni Angara ang mga graduating students na dalhin ang mga naging pagsusumikap, pagbuo ng diskarte at ang pagkakaroon ng malaskit sa kapwa na siyang humuhubog sa atin bilang mga Pilipino.

Kinomenda rin ng kalihim ang mga guro at school staffs na nagpakita ng dedikasyon sa naging transpormasyon at pundasyon ng kaalaman ng mga estudyanteng magsisipagtapos ngayong taon.

Binida din ng kalihim ang mga magulang na sumuporta sa kanilang mga anak na magkaroon ng pangarap at nagbigay ng inspirasyon sa mga ito para mas higitan pa ang mga pangarap nito.

Samantala, tiniyak naman ni Angara na sa pagtatapos ng isang taon, panbagong taon na naman ang kanilang bubuksan para sa mas maayos na sistema ng edukasyon sa bansa.

Aniya, patuloy ang gagawin nilang mga programa para sa mas maayos at magandang kalidad ng edukasyon, pagpapatibay ng pundasyon ng kabataan at pagsiguro na mailalabas ng mga kabataang pilipino ang kanilang full potential pagdating sa pagaral.