-- Advertisements --

May binabalangkas na ang Department of Education (DepEd) na pangmatagalang solusyon para sa pagtaas ng sahod ng mga guro.

Sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte Carpio, na nagkausap na sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at dito ay iminungkahi ng pangulo na dapat magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa taas sahod ng mga guro.

Hindi aniya magandang tignan na taunan ay humihirit ng taas sahod ang mga guro kaya kanilang pinag-aaralan ang ibang mga paraan sa pagtaas sahod ng mga ito.

Magugunitang ilang grupo ng mga guro ang humirit ng pagtaas ng kanilang sahod.