BUTUAN CITY – Naging highlight sa culmination program sa pagdiriwang ng Department of Education ng National Teacher’s Day 2023 ngayong taon na isinagawa sa Butuan City, ang raffle bonanza ng iba’t ibang uri ng mga sasakyan, gadgets at mga appliances.
Kasama na dito ang tig-iisang Toyota Innova at Toyota Raize, 28 yunit mga motorsiklo, isang bao-bao, mga laptop, refrigerator, Smart TV, at may mga minor prizes pa.
Dumalo sa nasabing selebrasyon si Education Secretary at Vice President Sara Duterte kungsaan kanyang pinuri ang mga guro sa kanilang ginampanang malaking papel sa pagsi-shape sa ka-isipan ng mga kabataan at pag-mold sa kinabukasan ng ating bansa.
Kahapon naging panauhing pandangal din siya sa pagdiriwang ng Police Regional Office o PRO-13 sa 122nd Police Service Anniversary na isinagawa sa Camp Rafael Grounds nitong lungsod ng Butuan.
Kanyang inihayag ang kahalagahan ng confidential funds para sa pulisya na malaki umano ang kontribusyon upang matiyak ang siguridad at paglago ng ating bansa.