-- Advertisements --

Pinapabilis na ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang pamamahagi ng one-time service recognition incentive (SRI) sa mga teaching at non-teaching personnel ng DepEd.

Ito ay may kaugnayan sa pagtalima ng Administrative Order number 1 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa inilabas na memorandum na mabibigyan ng tig-P15,000 na SRI ang bawat eligible na kawani ng DepEd mula Disyembre 20, 2022 at hindi na lalagpas ng Enero 6, 2023.

Manggagaling umano ang pondo sa sobrang available Fiscal Year 2022 released allotments para sa Personnel Services at ito maaaring dagdagn para sa Maintenance and Other Operating Expenses.

Gagawin aniya ang pamamahagi sa pamamagitan ng Cash Advance.

Para sa mga guro at ibang mga personnel ng paaralan ay maaaring kunin ito sa DepEd Schools Division Office o sa Implementing Unit ang mga Cash Advance.

Pinayuhan din nito ang mga opisyal ng paaralan na gumawa ng sistema para sa pamamahagi ng nasabing SRI para maging maayos at makuha nila ito ng buo.