-- Advertisements --

Siniguro ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang suporta nito para mawakasan ang Violence Against Women (VAW) dito sa bansa.

Ginawa ng DepEd ang pahayag kasabay ng pagsisimula ng taunang 18-day to end Violence Against Women (VAW) mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12, 2023.

Katwiran ng DepEd, isa ang gender sensitivity sa mga nais pangunahan ng ahensiya at nais maituro sa nmga mag-aaral bilang bahagi ng basic education.

Sa ilalim ng Matatag Agenda, isinusulong ng ahensiya ang inklusibong edukasyon sa pamamagitan ng ibat ibang proyekto, programa, at inisyatibo sa ilalim ng Gender and Development.
3
Hinikayat din ng DepEd ang publiko at mga estudyante na pangunahan ang pagprotekta sa mga kababaihan, laban sa mga pangmamaltrato, pangmamalupit, at iba pang pagmamalabis laban sa kanila.