Dapat na resolbahin na raw ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa mga pasibilidad, learning resources at teaching at non-teaching persinnel sa mga pampublikong paaralan sa halip na sisihin at pagbantaan ang mga guro matapos isiwalat ang kanilang sitwasyon sa kanilang trabaho.
Ginawa nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio at France Castro ang pahayag na ito matapos na isiwalat ng isang guro sa Bacoor National High School sa Cavite na napilitan silang gawing faculty room ang isang palikuran o CR dahil sa kakulangan sa pasilidad.
Ipinagkibit-balikat lamang ni DepEd Sec. Leonor Briones ang rebelasyon na ito ng naturang buro at sinabing ginawa lamang ito para maging “dramatic” at “touching.”
“They had their choice. They could hold office in the laboratory rooms but of course, it is more dramatic, it’s more touching if you hold it in the toilets… So choice ‘yun ng mga teachers,†ani Briones.
Pero tinukoy ni Tinio na ang kondisyon ng mga guro sa paaralan sa Cavite ay hindi lamang isang “isolated case” kundi nararanasan din ito ng mga guro sa iba pang paaralan sa ibang bahagi ng bansa.
Sa halip na resolbahin ang matagal nang problema sa shortage sa mga pasilididad, nagawa pa raw ni Briones na sisihin ang mga guro sa paggamit ng mga palikuran bilang faculty rooms.
Samantala, dinipensahan naman ni Castro ang guro na si Maricel Herrera, ang faculty president ng Bacoor National High School at Secretary-General ng Alliance of Concerned Teachers sa Region 4A, na nagsiwalat sa kanilang sitwasyonn.
Balak daw kasi ng principal ng paaralan na sampahan ng administrative at criminal cases si Herrera dahil sa pagsira nito sa imahe ng paaralan.
Pero para kay Castro, hindi tma na sinsisisi at pinagbabantaan pa ang mga guro na nagsisiwalat ng kanilang tunay na sitwasyon at kondisyon sa trabaho.