Inanunsyo ng Department of Education na suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng public schools sa buong bansa bukas, April 8, Lunes.
Naglabas ng advisory ngayong Linggo, April 7, 2024, ang kagawaran kung saan ipinapatupad nito ang Asynchronus classes/distance learning sa Lunes, Abril 8, 2024 sa lahat ng pampublikong para payagan ang mga mag-aaral na na makumpleto ang mga nakabinbing takdang-aralin, proyekto at iba pang mga requirements
Gayundin, ayon sa DepEd, ang mga teaching and non-teaching personnel sa lahat ng pampublikong paaralan ay hindi rin kailangang mag-report sa kanilang mga istasyon.
Samantala, hindi sakop ng advisory ang mga pribadong paaralan, ngunit sinabi ng DepEd na maaaring ipatupad ng kanilang school administration ang naturang kautusan.
Ayon kay DepEd Undersecretary Michael Poa, walang kinalaman ang anunsyo sa heat index sa bansa.
Ani Poa, magpapatuloy ang face-to-face classes sa Huwebes, Abril 11.