Nagbitiw na sa puwesto si Department of Education spokesperson Michael Poa at 4 na iba pang matataas na opisyal ng DepEd bago ang pagpapalit ng liderato ng ahensiya sa Biyernes, Hulyo 19.
Dito, inaasahang opisyal ng uupo si Senator Sonny Angara bilang kalihim ng DepEd kapag nagkabisa ang pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte.
Kinumpirma ni Poa, na siya ring chief-of-staff ni Vice President Sara Duterte, ang pagbibitiw niya at ng iba pang opisyal pagkatapos na ibahagi ni Sen. Sonny Angara ang balita sa isang ambush interview.
Bukod kay Poa, ang 4 pang opisyal na nagbitiw ay ang mga sumusunod:
1. Nolasco A. Mempin, DepEd Undersecretary for Administration
2. Sunshine A. Fajarda, DepEd Assistant Secretary sa Office of the Secretary
3. Reynold S. Munsayac, DepEd Assistant Secretary for Procurement
4. Noel T. Baluyan, DepEd Assistant Secretary for Administration
Ipinaliwanag ni Poa na ang kanyang pagbibitiw ay para bigyan ng pagkakataon si incoming Sec. Angara na magtalaga ng mga bagong opisyal ng DepEd.