-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang opisyal ng Department of Education at sugatan ang kanyang asawa sa pananambang alas 6:25 nitong gabi ng Lunes sa Tacurong City.

Nakilala ang nasawi na si Javier Kumandi Sr,55 anyos,DepEd District Supervisor ng Pandag Maguindanao at sugatan ang kanyang asawa na si Jeannie Kumandi,52 anyos,mga residente ng Purok Katilingban Barangay San Pablo Tacurong City.

Ayon kay Tacurong City Chief of Police Lieutenant Colonel Joan Maganto na habang sakay ang mga biktima sa Toyota Innova na may plakang AGA 5857 papauwi na sa kanilang tahanan ng itoy harangin at pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Patay on the spot ang DepEd Supervisor na nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan habang naisugod sa ospital ang kanyang misis at nasa maselang kondisyon.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tacurong City PNP sa pananambang sa mga biktima.