Kinasuhan ng tatlong public school district supervisors sa Office of the Ombudsman ang isang DepEd education official ng Taguig dahil sa grave misconduct nitong Miyerkules.
Pinangalanang respondent sa 25-pahinang reklamo ang isang Marcial Sison, na umano’y public school district supervisor ng DepED Taguig City-Pateros.
Si Sison ay sinampahan ng kasong serious dishonesty, grave misconduct, grave abuse of authority, paglabag sa reasonable office rules, at regulations and conduct prejudicial to the best interest of the service ng kanyang mga kapwa public school district supervisors na sina Ellery G. Quinta, Teodoro Melegrito at Paz A. Quilinguin.
Nag-ugat ang reklamo kay Sison sa umanoy hiling nito na magremit sa kanya ng tig-50 sentimo kada estudyante ang bawat paaralan na nasa ilalim ng kanyang distrito para umano’y magamit sa pagpapaayos ng kanyang tanggapan, pagbili ng mga personal supplies at representation allowance kung dumadalo siya sa mga pulong.
Ayon sa mga complainant pinipilit sila ng respondent na i-remit ang mga nakolektang halaga tuwing katapusan ng bawat buwan dahil kung hindi ay ipapahiya at sesermunan ang mga ito sa kanilang district meetings.
Sinabi rin ng mga complainant na ang school financial report na requirement para sa liquidation ng monthly Maintenance and Other Operating Expenditures (MOOE) na isinusumite ng mga punong guro sa Division Office ay iniipit umano ng respondent maliban na lamang kung makapag-remit ang prinsipal ng kaukulang halaga na katumbas ng bilang ng mga estudyante sa bawat paaralan.
Nabatid na mayruong nasa halos 40,000 estudyante sa kanyang distrito at ang pera ay kinukuha mula sa canteen funds at school funds.
Sa alegasyon ng mga complainant, tinatayang aabot sa P40,000 hanggang P100,000 ang umano’y nakolekta ng respondent mula sa mga paaralan kabilang na ang benta para sa kanyang personal items na ipinagbibili sa loob ng mga kantina ng mga paaralan.
“We are hoping that a warrant for the arrest of Mr. Sison will be issued soon to stop him from corrupting the DepEd Taguig and free us from his constant threats, harassment and legal intimidations, we are working hard to educate our students in Taguig City during this pandemic period and yet he is staying at home doing nothing but collecting and extorting money from our MOOE,” pahayag ni Kap. Eddie Reyes Integrated School principal na si Dr. Delfin Hernandez.
Ang nasabing gawain ng respondent ay nagsimula pa nuong 2017 kung saan nanghingi umano ito ng updated na listahan ng enrolment kada paaralan.
Ayon kay Dr. Nida Dela Cruz, principal ng Gat. Andres Bonifacio High School, “I had to remit every single centavo otherwise he will yell at me in his office, even if we request for reconsideration due to poor sales in the canteen, he takes no excuses and asked us to get it from the principals own money, he even sells his personal merchandise in the canteen such as peanuts, fish crackers and banana que as his sideline.”
Inireklamo na ng mga complainants ang respondent dahilan sa hindi na nila kayang sikmurain ang anila’y “corrupt activities.”
Aminado ang mga complainants na dahil sa ginagawa ng respondent apektado na rin ang kanilang operasyon sa eskwelahan.
Pagbubunyag ng mga complainants na binabantaan sila nito sasampahan sila ng kasong administratibo sa pamamagitan ng kanyang “close-ties” sa superintendent.
Umasa ang mga complainants na ngayong panahon ng pandemic matigil na ang illegal activities ng respondent, pero hindi patuloy pa rin ito nanghihingi ng remittance mula sa buwanang MOOE ng bawat eskwelahan.