-- Advertisements --

Target ng Department of Education na makapagpatapos ng mga mag-aaral na maasahan sa handa sa trabahao, aktibo at responsable.

Ayon kay Vice President at DepEd Secretary Sara Durterte na gagawin nito sa pamamagitan ng nakalinyang programa kabilang na ang pagpapatupad ng Matatag K-10 curriculum sa buong bansa.

Sa kasalukuyan kasi nasa pilot testing pa lamang sila sa tatlumpu’t limang paaralan sa pitong rehiyon.

Sa ilalim ng Matatag K-10 Curriculum binawasan ang mga asignatura para matutukan ang mga pangunahing aralin sa Science and Technology Program at gagawing institutionalize ang peace education program.