-- Advertisements --

Target ng Department of Education (DepEd) na palawakin ang promotional opportunities ng mga guro sa bansa.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, nakakuha na ng concurrence ang proposal nilang ito mula sa Civil Service Commission (CSC).

Hinihintay na lamang ng DepEd ang concurrence naman ng Professional Regulatory Commission at komento mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni Malaluan na pending ngayon sa Malacanang ang isang executive order para sabayan ang pagtaas ng posisyon ng mga guro ng mas mataas na salary grades.

Sa kasalukuyan ang isang Teacher I ay nakakatanggap ng Salary Grade 11 na P22,000; habang ang Teacher II naman ay nakakatanggap ng Salary Grade 12; at Salary Grade 13 naman para sa Teacher III.

Ayon kay Malaluan, may ilang mga guro na nagreretiro na kahit sila ay Teacher II pa lang.