Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na tutugon sila sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtayo ng mga gusaling ligtas sa sakuna at maghanap ng karagdagang pondo sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships.
Ayon kay Education Sec. Sonny Angara na tututukan nila ang pagpapatayo ng mga pasilidad na may structural integrity upang makayanan ang mas malalakas na bagyo at lindol.
Magsisimula rin ang pagtatayo ng 15,000 na silid-aralan ngayong taon at magtutulungan sa PPP Center upang tugunan ang kakulangan sa silid-aralan.
Dagdag pa rito, itinaguyod ni Angara ang pangangailangan ng dagdag na Quick Response Fund upang mabilisang ayusin at muling itayo ang mga nasirang paaralan.
Ang RA No. 12076 ay nagtatakda ng permanenteng evacuation centers upang maiwasang gamitin ang mga paaralan bilang pansamantalang tirahan at papalakasin ng DepEd ang patakaran sa suspensyon ng klase at trabaho sa panahon ng sakuna at emergencies.