Tiniyak ng pamunuan ng Department of Education ang pagbibigay ng patas na suporta sa lahat ng mag-aaral na mayroong kapansanan sa bansa.
Bahagi ito ng effort ng ahensya na pagtuunan ng pansin ang teknolohiya at palawakin ang resources ng ahensya.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layon ng kanilang ahensya na maibigay sa mga mag-aaral na mayroong kapansanan ang patas na access sa quality education at oportunidad.
Plano rin ng ahensya na bumuo ng artificial intelligence powered tool na makatutulong na matukoy ng maaga kung ang isang bata o mag-aaral ay mayroong kapansanan.
Paliwanag ng kalihim na nananatiling committed ang ahensya sa pagpapahusay ng paggamit ng teknolohiya hindi lang sa instruction kabilang na ang decision-making, resource planning at inklusibong paghahatid ng mga serbisyo.
Kinumpirma rin ng ahensya na kanilang pinapagbuti ang Alternative Delivery Modes at Alternative Learning System.