-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na kanilang mabibigyang protesyon ang kapakanan at karapatan ng mga guro na magsisilbi sa May 12 national at local elections.
Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, na mahalaga na mabigyan ng buong suporta ang mga guro na magsisilbi sa halalan.
Mayroon na rin inilaan ang DepEd ng Election Task Force (ETF) na siyang magbibigay ng real-time monitoring, assistance at pagresponde sa panahon ng halalan.
Magiging fully operational ang DepEd Election Command Center mula Mayo 11 hanggang 13 kung saan ang headquarters ay matatagpuan sa lungsod ng Makati.
Kasama ng DepEd sa ETF operation center ang Commission on Elections, Public Attorneys’ Office at ilang mga law enforcement agencies.