ILOILO CITY – Todo ang kampanya ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng gadgets at internet.
Ito ay dahil na rin sa viral na Momo challenge na nagreresulta sa mga bayolenteng reaksiyon ng mga biktima.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay DepEd Assistant Regional Director Dr. Voctor De Gracia Jr., sinabi nitong kailangang magtulungan ang mga magulang at mga guro upang matigil na ang nasabing challenge.
Ayon pa kay De Gracia, hindi sa lahat ng oras ay mababantayan ng mga guro ang mga estudyante kapag nasa paaralan.
Kung sa loob nga klase raw ay ipinagbabawal naman ang paggamit ng gadgets at internet.
Sa halip na pagtuunan ng pansin ng mga estudyante ang Momo challenge, pagtuonan na lang nila ang pag-aaral.
Sa kabila nito, naniniwala naman ang DepEd sa kakayanan ng otoridad na matuntun at makilala ang creator ng nasabing online application.