-- Advertisements --
Hihingin ng Department of Education (DepEd) ang tulong mula sa mga opisyal ng barangay para masigurong nasusunod ng mga mag-aaral ang social distancing sa labas ng classroom sa mga lugar na papayagan ang limited face-to-face classes.
Sinabi ni Education Usec. Diosdado San Antonio, kailangang magtulungan ang barangay at komunidad para sa pagpapatupad ng mga programa ng kagawaran.
Aminado naman si San Antonio na may ilang mga estudyante ang hindi agad umuuwi sa kanilang tahanan pagkatapos ng klase at hindi na nasusunod ang social distancing.
Hiniling ng ilang local government units at pamunuan ng mga paaralan ang pisikal na klase sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.