-- Advertisements --

Maaari pa ring i-enroll ng mga magulang ang kanilang mga anak para sa school year 2020-2021 kahit pa magsisimula na ang unang araw ng klase sa susunod na linggo, Oktubre 5.

Sinabi ni Department of Education (DepEd) Usec. Tonisito Umali na batid ng kanilang kagawaran ang pagkabahala ng mga mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak dahil nasa gitna pa ng health crisis ang bansa.

Nakahanda naman daw ang DepEd na irespeto ang kung anomang dahilan ng mga magulang sa kanilang desisyon ngunit maglalatag pa rin ito ng iba’t ibang options na magpapakitang pwede pa ring ituloy ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa kabila nito, ibinahagi naman ni Usec. Umali ang ilan sa kanilang paghahanda na ginagawa ng DepEd para sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Para naman sa mga hindi pa nakakakuha ng kanilang mga Self-Learning Modules (SLMs), ang mga guro na mismo ang nagpupunta o nagbabahay-bahay sa kanilang mga mag-aaral upang iabot ang kanilang SLMs.

Meron ng mahigit 533 million SLMs ang naipamahagi na sa mga bata na kanilang gagamitin sa unang dalawa hanggang apat na linggo ng pasukan sa first quarter.

Nakikiusap naman si Umali sa mga magulang na lawakan ang pang-unawa dahil hindi lamang sila ang nahihirapan sa kalaukuyang sitwasyon ngunit ang magigiting din na mga guro.