-- Advertisements --

Plano ng Department of Education (DepEd) na magtayo ng mahigit 100,000 na silid aralan sa tulong na rin ng private sectors.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, na ang nasabing hakbang ay para mapunan ang 165,000 na classroom backlog.

Ibinahagi na ng kalihim ang plano kay Pangulong Ferdinand Marcos matapos na pirmahan ng ahensiya ang P58.8 milyon na technical assistance partnership sa Public-Private Partnerhsip Center para makapagtayo ng 15,000 na silid aralan sa ilalim ng PPP School Infrastructure Project.

Dagdag pa ng kalihim na ang matatapos ang pagtatayo ng silid aralan pagdating ng 2027.

Inamin ni Angara na isa ang kakulangan ng silid aralan na malaking hamon sa kaniya ngayon kaya ito ay kaniyang tinutugunan.