Sa katatapos lamang na pagdinig ng Senate Basic Education Committee sa pangunguna ni Sen. Win Gatchalian ngayong araw, nagpahayag ang DepEd na sang-ayon na ito sa agarang pagbabalik sa old calendar kung saan ang klase ay Hunyo hanggang Marso at ang Abril at Mayo ay panahon ng bakasyon.
Ayon kay Asec Francis Bringas ay naisumite na umano ng ahensiya sa Tanggapan ng Pangulo ang planong adjustment sa school year 2024-2025 at ang pagbabalik sa pasukan sa Hunyo 2025.
Ito ay kahalintulad rin ng isinumiteng panukala ng TDC sa DepEd na ipinahayg ni TDC Chair Benjo Basas sa nasabing pagdinig. Para sa TDC, maisasagawa ang pagbabalik sa pasukan agad sa Hunyo 2025 kung mapapaaga ang pagtatapos ng SY 2024-2025.
Kaya sa halip umano na sa Mayo 16, 2025 ay dapat na itong tapusin sa Abril 11. Sa panukala ay mayroong 174 na days.
Ang tugon ng DepEd ay lubos na ikinatuwa ng TDC dahil mas mapapaaga pa ito.
Sa halip na Mayo 16 na siyang orihinal na plano, ay tatapusin umano ang SY 2024-2025 ng Marso at mayroon lamang 165 days.
Bagamat hindi pa ito pinal at maghihintay pa ng pagpapatibay ng pangulo, nagpapasalamat na ang TDC dahil pinakinggang umano ng DepEd ang hinaing ng mga magulang, mag-aaral at mga guro.