Inanunsyo ni Department of Education (DepEd) Usec. Alain Pascua na nagpositibo ito sa COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni Pascua na nakaranas ito ng mild symptoms ng COVID-19 makaraang magkaroon ng exposure sa isang indibidwal na positibo sa virus noong Disyembre 4.
Kasalukuyan naman itong nananatili sa ospital para sa kaukulang quarantine procedures at upang maobserbahan na rin ng mga doktor.
Inabisuhan na rin aniya nito ang kanyang mga staff na kanyang nakasalamuha noong nakalipas na linggo na mag-seld quarantine na bilang pag-iingat.
Nakipag-ugnayan na rin daw ang DepEd Central Office sa mga local health authorities para magsagawa ng contact tracing at iba pang kinakailangang mga hakbang.
Sa kabila nito, ayon kay Pascua, patuloy pa rin daw niyang gagampanan ang kanyang trabaho sa Office of the Undersecretary for Administration at dadalo pa rin daw siya sa mga online meetings.
“Nonetheless, this may serve as a reminder for everyone not to be complacent in protecting themselves against the virus, especially during this holiday season. We must continue following health protocols such as wearing masks, physical distancing, and washing of hands,” ani Pascua.