-- Advertisements --

KALIBO, Aklan— Handa na ang lahat ng paaralan at nakalatag na ang plano kung anu ang dapat gawin sakaling maranasan ang grabeng init ng panahon sa Western Visayas habang nalalapit ang summer season.

Ito ang tiniyak ni Mr. Hernani Escullar Jr., tagapagsalita ng Department of Education (DepEd) region VI matapos na nagkansela ng face to face classes sa ilang lalawigan partikular sa Luzon dahil sa naranasang mainit na panahon.

Aniya, nagawa na rin ito noong mga nakaraang taon kung kaya’t may ideya na ang mga pamunuan ng paaralan sa mga dapat nilang gawin na hindi makompromiso ang pag-aaral ng mga estudyante.

Dagdag pa ni Escullar na sapat ang pondo ng ahensya sa pagroduce ng module materials sakaling magshift sa modular or online learning ang mga learners dahil mahigit isang buwan pa bago ang end of school year sa ikatlong linggo ng Abril.

Ngunit, nangangailangan aniya ito ng gabay ng mga magulang o iba pang kasapi ng pamilya upang matuto ang mga learners.

Kaugnay nito, binigyan ng authority ng DepEd ang local chief executive ng bayan at ang schools division superintendent ng lalawigan na kumansela ng in-person classes at magshift sa modular learning sakaling hindi makayanan ang init ng panahon sa banta ng summer season.

Tiwala si Escullar na alam na ng mga pamunuan ng paaralan ang dapat nilang gawin upang maalagaan ang kalusugan ng mga learners.