CEBU CITY – Naghahanda na ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd-7) para sa darating na halalan ngayong Mayo 9, 2022.
Iniulat ni Dr. Salustiano Jimenez sa regional director ng Region-7, na handa na ang kanilang mga guro para sa darating na halalan, at may nabuo na ring regional election task force at division school task forces.
Dagdag pa ni Jimenez, na may facilitated orientation, para sa mga focal person ng task force, upang masuri kung ano ang mga kailangang gawin sa darating na halalan, at hindi ma-electioneering ang mga guro.
Ito ay upang matiyak, na may ideya ang mga kasamahan kung ano ang gagawin sa panahon ng halalan, habang ang LGU’s at Comelec ay nagsasagawa nang koordinasyo upang maiwasan na may kaanak ang mga guro na tumatakbo sa election, ito’y naaayon narin sa mga kinakailang requirement ng Comelec.
Ipinunto din nito na ang Mayo 2-13 suspension ng mga klase sa lahat ng paaralan ay ginawa upang mapaghandaan at mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na ihanda ang kanilang mga silid-aralan bagamat magkakaroon rin ng karagdagang orientations para sa mga guro.