-- Advertisements --
SEC Chairman Emilio Aquino 3
SEC Chairman Emilio Aquino

Tinawag na depektibo ni Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Emilio Aquino ang inihaing kaso laban sa kanila ng ilang miyembro ng Kabus Padatoon (KAPA) Community Ministry International.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo, sinabi ni Aquino na maraming sablay sa complaint kaya malamang na mapunta lang iyon sa basurahan.

“On the face pa lang makikita na natin na marami talagang defects,” wika ni Aquino.

Hindi rin nito napigilang matawa nang gawin siyang private respondent, habang ang journalist na si Maria Ressa ay ginawa namang public respondent sa kaso.

SEC Chairman Emilio Benito Aquino

Puna pa nito, kung hihirit ang grupo ng P3 billion damages, dapat sa paghahain pa lang ng reklamo ay nagbayad na ang grupo ng required amount na milyon ang halaga.

Matatandaang sa complaint na inihain ng Rhema Int’l Livelihood Foundation o Cirfund sa Korte Suprema, iginigiit nilang labis na nakapinsala sa marami ang pagpapasara sa KAPA kaya kailangang magbayad ang gobyerno ng P3 billion damages at nais pa nilang ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, nagtataka si Aquino kung bakit sa hukuman sinasabi ang isyu ng pagpapatalsik sa Pangulo, gayung Kongreso naman ang humahawak ng mga ganoong usapin.

KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

Una na ring sinabi ni KAPA founder Pastor Joel Apolinario, na patuloy pa ring nagtatago, gagawi sila ng mga ligal na hakbang at prayer rallies upang maibalik ang operasyon ng kanilang mga tanggapan.