-- Advertisements --
Gilas Pilipinas
Gilas Pilipinas

Sumentro sa matinding depensa ang isinagawang ensayo kagabi ng Gilas Pilipinas.

Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na ang matinding depensa ay isang paraan para hindi makapagtala ng puntos ang kanilang makakaharap sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Makailang pinagsabihan nito ang kaniyang manlalaro na dapat mas paigtingin nila ang depensa.

Nilinaw naman nito na hindi nababahala ito sa scoring dahil halos lahat aniya ng kaniyang manlalaro ay may kakayahan na gumawa ng puntos.

Umabot naman sa 15 mga manlalaro ang nakadalo sa ensayo ng koponan kagabi.