Kinilala rin ni Pope Francis ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga journalist.
Ginawa ng Santo Papa ang pagbati sa mga mamamahayag kasabay nang selebrasyon ng World Press Freedom Day.
Ayon kay Pope Francis kailangan ng mundo ang isang malayang pamamahayag na siyang nagsusulong ng katotohan, hustisya at kaayusan.
Isinama rin ng lider ng Simbahang Katolika sa kanyang mensahe sa Twitter account ang hashtag na “#defend media freedom.”
Si Francis ay merong followers sa kanyang social media account na mahigit sa 18 million.
“We need a journalism that is free, at the service of truth, goodness, and justice; a journalism that helps build a culture of encounter. #DefendMediaFreedom”
Ang taunang World Press Freedom Day na ginugunita tuwing May 3 ay una nang idineklara ng United Nations General Assembly upang ipaalala sa mga gobyerno sa iba’t ibang dako ng mundo ang kahalagahan ng malayaang pamamahayag at pagrespeto sa “freedom of expression” na nakapaloob sa Article 19 ng 1948 Universal Declaration of Human Rights.