Bahagyang niluwagan ng pamahalaan ang deployment ban sa overseas Filipino workers sa Ethiopia ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar.
Ito ay kasunod ng inisyung resolution ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) matapos na ibaba ang alert level sa Ethiopia mula sa Alert level 4 sa 2.
Matatandaan na ipinatupad ang total deployment ban sa Ethiopia noong November 2021 matapos na iulat ng Department of Foreign Affairs na itinaas sa alert level 4 ang Crisis alert level sa naturang bansa dahil sa conflict sa pagitan ng Tigray Peoples Liberation Front at Federal government ng Ehiopia.
Ayon sa POEA, ang paglalagay sa isang bansa sa alert level 4 ay nangangahulugan ng mandatory repatriation at evacuation ng mga Pilipino sa naturang bansa.