-- Advertisements --

Tinanggal na gobyerno ang deployment ban ng mga overseas Filipino workers sa Israel.

Sinabi ni Deparment of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na inatasan na niya ang Philippine Overseas Labor Office sa Israel para agarang tanggalin na ang temporary suspension.

Nakasaad sa memorandum para kay Labor Attache Rodolfo Gabasan na maaari ng matanggal ang deployment ban na ipinatupad noong Mayo 20, 2021 dahil sa kaguluhan sa Gaza Strip.

Isa sa dahilan ng pagtanggal ng deployment ban ay ang paghupa na ng kaguluhan sa lugar kung saan nagkasundo na ang mga Hamas militants at Israeli Defense Force.

Ang deployment ban ay nakaapekto sa mahigit 400 care givers na kinuha ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).