-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga naghahanap ng trabaho abroad partikular na sa Libya.
Ito ay dahil hindi pa rin inaalis ng DFA ang deployment ban sa Libya.
Ipinaalam na rin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang Philippine embassy na wala pa silang approval na magrecruit ang sinumang indibidwal o mga recruitment agency.
Nilinaw din ng DFA na tanging mga Filipino na mayroong existing work contracts at certificates of exemption mula sa Philippine embassy na nagbabakasyon sa Pilipinas ang tanging pinayagang makabalik sa Libya.
Mahigpit din ang pakikipag-uganayan ng embassy sa gobyerno ng Libya para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino na nagtatrabaho doon.