-- Advertisements --

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal sa deployment ban ng mga healthcare workers para makapagtrabaho sa abroad.

Ito ang kinumpirma ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa gitna ng panawagan ng mga nurse at iba pang medical workers na bawiin na ang deployment ban para makaalis na sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Sec. Bello, bumabagal na ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa at gumaganda na ang kondisyon kaya wala ng problema sa gobyerno kung aalis ang mga health workers na gustong mag-abroad.

Pero inihayag ni Sec. Bello na para matiyak na may sapat pa ring health professionals sa paglaban sa COVID-19 pandemic, 5,000 healthcare workers lamang ang papayagang makaalis kada taon.

“The president already approved the lifting of the temporary suspension of deployment of nurses and other medical workers,” ani Sec. Bello.