Ipinag-utos ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ban sa mga Pilipinong seafarers na sumampa sa mga passenger o cruise ships na naglalayag sa Red Sea at Gulf of Aden na idinekara bilang high-risk areas at war-like zones sa gitna ng missile attacks sa mga barkong dumadaan doon sa nakalipas na buwan na may kaugnayan sa Israel-Hamas war.
Ito ay sa bisa ng inilabas na Department Order No. 2 ng DMW ngayong araw.
Inilabas ang naturang kautusan matapos ang kolektibong diskusyon sa nakalipas na buwang pagpupulong sa pagitan ng DMW at Philippine Maritime Industry Tripartite Council (MITC).
Inisyu din ang deployment ban bilang parte ng mandato ng ahensiya na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino seafarer lalo na sa ilang mga pag-atake na ikinamatay na at ikinasugat ng ilang Pinoy sailors.
Sa ilalim ng Department Order 2, dapat na lumagda ang licensed manning agencies sa isang affirmation letter na naggagarantiyang ang mga barko kung saan sasampa ang mga seafarer ay hindi maglalayag sa red Sea o Gulf of Aden.
Dapat din na isumite ang letter na nagdedetalye sa itinerary ng barko sa DMW sa kasagsagan ng dokumentasyon ng crew employment contracts o bago ang kanilang deployment.
Minamandato din sa naturang order na ang mga Pilipinong seafarer na nakalista bilang crew members sakay ng barko ay dapat na lumagda sa affirmation letter na naga-acknowledge na papasok ang kanilang barko sa Red Sea o gulf of Aden.
Ang affirmation letter naman ginawa ng licensed manning agency na may consent mula sa mga seafarer ay dapat na i-upload sa Online Processing System for Sea-based (DOPS-Sea) ng DMW kasama ang processed Standard Employment Contract (SEC)