-- Advertisements --
besana
Wesmincom spokesperson Col. Gerry Besana

Bahagi umano ng “rotation of troops” ang deployment ng isang batalyon ng sundalong Marines sa probinsiya ng Sulu.

Una nang kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Marine Corps na ang Marine Battalion Landing Team (MBLT)-8 sa pamumuno ni Lt. Col. Rommel Bogñalbal ang ide-deploy sa Sulu para palakasin pa ang kampanyan ng AFP laban sa teroristang Abu Sayyaf.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Western Mindanao Command (WestMinCom) spokesperson Col. Gerry Besana, sinabi nito na papalitan lamang ng MBLT-8 ang tropa ng MBLT-3 na ipapadala naman sa Palawan.

Sinabi ni Besana due for retraining and refurbishing na rin kasi MBLT-12 na nasa Palawan.

Ibig sabihin, walang dinagdag na tropa sa probinsiya ng Sulu sa ngayon.

Pero inamin ni Besana na may inaasahan na rin silang realignment ng mga tropa sa mga susunod na araw.

Aniya, isang batalyon ng Marines na naka-deploy ngayon sa Central Mindanao ang ipapadala sa Sulu.

Dumating na rin sa Sulu ang bagong buong 1st Combat Brigade Team ng Philippine Army na isang specialized unit ay inaasahan na makumpleto sa susunod na Linggo.

Ang 1st Combat Brigade team ang mangunguna sa pagtugis sa mga teroristang Abu Sayyaf.