-- Advertisements --

LA UNION – Mayroon nang itinakdang araw o petsa para sa deployment ng mga official ballots at vote counting machines (VCMs) na gagamitin sa May 13 election.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo La Union sa mga Election Officers na sina Onofre Tilang ng Comelec-Bauang at Gregorio Cabanban ng Comelec-Balaoan, umaga ng May 13 na idi-distribute ang mga official ballot.

Gayunman, sa May 12 ide-deploy ang mga balota para sa mga liblib na barangay, gaya ng sa bayan ng Bacnotan, San Gabriel, Sudipen, Santol, Pugo, Bagulin, at Burgos.

Samantala, dalawang araw din ang itinakdang petsa para sa deployment ng mga VCMs para sa 19 na bayan at isang syudad.

Sa May 8, nakatakdang i-deploy ang mga gagamitin na makina para sa 11 mga bayan at isang syudad, partikular sa bayan ng Aringay, Sudipen, Santol, San Gabriel, Bagulin, Burgos, Bacnotan, SFC, Sto Tomas, Tubao at Pugo.

Habang sa May 9, ide-deploy naman ang mga VCMs para sa Naguilian, Agoo, Bangar, Luna, Caba, Bauang, Rosario, Balaoan at San Juan.

Ang mga VCMs at opisyal na balota ay mahigpit na binabantayan ng mga otoridad sa provincial hub ng Comelec La Union sa Barangay Bacsil, Bacnotan habang ang mga balota ay naka-secure sa bawat municipal treasury office.