-- Advertisements --
OFWs OFW NAia cacdac

Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na bumaba ang bilang ng total deployment ng mga Overseas Filipino workers.

Inihayag ni recruitment consultant and migration expert Manny Geslani na hindi umabot sa 1 million ang deployment ng mga OFW sa taong 2022 dahil hindi lahat ng foreign markets ay bukas para tumanggap ng mga migrant workers, dahil ang pangunahing labor market na Saudi Arabia – na mayroong taunang deployment ng 200,000 pre-pandemic – ay sarado nang mahigit isang taon mula 2021-2022.

Kabilang sa mga 2022 figure na nakasaad na mga rehire o bahagi ng 460,000 land-based na manggagawa, at 230,000 sea-based seafarers na idineploy mula Enero hanggang Oktubre 2022.

Taong 2019, umabot sa 2,150,000 manggagawa ang nai-deploy ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Gayunpaman, ang pandemya ng COVID na nagsimula noong Enero 2020 na siyang nagpababa sa bilang ng mga manggagawa ng 75 porsiyento.

Magugunitang sa ikatlong magkakasunod na taon, ang deployment ng overseas Filipino worker (OFW) ay bumaba.

Nakapagtala ang kagawaran ng kabuuang deployment na umabot lamang sa 780,000 noong Oktubre at umabot sa 800,000 sa pagtatapos ng taon .