Suspendido ang deployment ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa India.
Idineklara ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang India bilang isang “non-compliant country” ayon sa nakasaad sa ilalim ng Republic Act 10022 o ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act.
Sa isang advisory, sinabi ng kagawaran na “Ang deployment ng mga overseas Filipino workers ay pinapayagan lamang sa mga bansa kung saan ang mga karapatan ng mga Filipino migrant workers ay protektado.”
Sinabi ng ahensiya na ang deklarasyon ay batay sa assessment ng Philippine embassy sa New Delhi, India.
Sa ilalim ng batas, pahihintulutan ng gobyerno ang deployment ng mga OFW sa mga bansa kung saan pinoprotektahan ang kanilang mga karapatan.
Napag-alaman, nasa 2,000 OFWs umano ang kasalukuyang nakabase sa India.