Dodoblehin ng Philippine National Police (PNP) ang deployment ng mga pulis ngayong holiday season.
Ito’y bilang paghahanda sa posibilidad na magkaroon ng pagtaas ng kaso ng kriminalidad ngayong holiday season.
Kaya dodoblehin ni PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang mga pulis na magbibigay seguridad ngayong darating na pasko at bagong taon.
Sa panayam kay Gen. Cascolan kaniyang sinabi na magkaroon ng kaukulang deployment ng mga pulis sa mga lugar na kailangan ang kanilang presensiya.
Tututukan ng PNP ang mga lugar na mataas ang kaso ng kriminalidad.
Mahigpit din nilang mino monitor ang galaw ng mga teroristang grupo na posibleng maghasik ng karahasan.
Sa ngayon wala namang namomonitor na banta ang mga otoridad.
Giit ni Cascolan hindi maging basta basta na lamang ang kanilang deployment at dapat batid din ng mga pulis ang kanilang ginagawa.
Bukod sa dobleng deployment ng mga pulis ngayong kapaskuhan, sinisiguro din ni Cascolan na lahat ng kanilang resources ay magiging available sa sandaling kakailanganin ito.
Tiniyak din ni PNP Chief, ang police visibility sa mga komunidad.