TOKYO – Posibleng ipahinto muna ng embahada ng Pilipinas sa Japan ang pagpapadala ng mga engineers.
Ginawa ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V ang pahayag sa kabila ng mataas na demand ng mga inhinyero at iba pang skilled workers sa Japan.
Sinabi ni Laurel, mas kailangan ngayon ng Pilipinas ang mga engineers sa harap na rin ito ng “Build, Build, Build” program ng Duterte administration.
Ayon kay Amb. Laurel, kabilang sa higit na kailangan ng Pilipinas ay mga structural at hydro-engineers para siyang manguna sa kabi-kabilang proyekto ng pamahalaan.
Sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 800,000 hanggang isang milyong manggagawa na nasa construction, architecture, at engineering ang kakailanganin hanggang 2022 para sa nasabing infrastructure projects ng kasalukuyang administrasyon.