-- Advertisements --

ILOILO CITY – Mas mapaaaga ang deployment ng mga pulis para sa Dinagyang Festival 2020.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PCol. Martin Defensor Jr., director ng Iloilo City Police Office, sinabi nito na ang deployment ay mag-uumpisa ngayong araw Enero 21 at mas maaga sa orihinal na plano na Enero 23.

Ayon kay Defensor, asahan ang mas stiktong security measures upang hindi makalusot ang mga armas at kontrabando na nais ipuslit ng sino man.

Maliban dito, layunin din nito ayon kay Defensor na maiwasan na may mangyaring krimen.

Kasabay nito, inihayag rin ng Iloilo City Police Office Director na walang epekto sa Dinagyang Festival ang nagyaring twin shooting incident kung saan dalawa ang patay.