-- Advertisements --

Dinepensa ni PNP Chief Gen. Camilo Cascolan ang deployment ng nasa 140 PNP Special Action Force (SAF) sa paligid ng Batasan Complex sa Quezon City kung saan naruon ang House of Representatives.

Ayon kay Cascolan ang deployment ng mga SAF troopers sa Congress ay para tiyakin ang seguridad at kaayusan sa nabanggit na lugar kasunod ng nagpapatuloy ng deliberasyon ng mga mambabatas para sa 2021 proposed National Budget.

Gayunman, hindi sinagot ni Cascolan ang tanong kung mananatili ba ang nasabing mga SAF Trooper sa buong panahon ng deliberasyon para sa budget.

Magugunitang uminit ang tensiyon kahapon matapos ang isinagawang special session ng kampo ni Speaker Lord Allan Velasco sa Sports Complex sa Quezon City para patalsikin sa puwesto ang dating Speaker Allan Peter Cayetano.