-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Plano ng Department of Agriculture (DA) Cordillera na magtayo ng water catchment dam na makakatulong sa mga magsasaka kapag panahon ng tagtuyot o El Niño.

Ayon kay Cameroon Odsey, Regional Executive Director ng DA-Cordillera, makakayanan ng water catchment dam ang mag-imbak ng tubig mula sa ulan at ito ay magiging reserba ng mga magsasaka na kanilang magagamit sa panahon ng pagtatanim.

Nais ng ahensiya na magpagawa ng water catchment dam sa lalawigan ng Benguet at Mountain Province matapos ang paggawa ng Solar Powered Irrigation System sa Abra, Kalinga, Ifugao at Apayao.

Makikipag-ugnayan ang DA-Cordillera sa mga lokal na pamahalaan para malaman kung saan ang angkop na lugar para sa mga itatayong water catchment dam sa Rehiyon Cordillera.