-- Advertisements --
Walang nakikitang mali ang Department of Agriculture sa pagbebenta ng mga ‘frozen eggs ‘ sa mga merkado sa Metro Manila.
Sinabi ni A Asec at Deputy Spokesperson Rex Estoperez na matagal na aniya ang nasabing kalakalan kahit hindi pa nagtaas ang presyo ng mga itlog.
Pagtitiyak nito na maging ang mga suppliers nito ay naging maingat para sa kapakanan ng kanilang mga consumers.
Ginagamit aniya ang nasabing mga ‘frozen eggs’ sa paggawa ng mga tinapay dahil sa nakakamura ang mga panadero.
Binalaan lamang ni Perez ang mga consumers na maging mapanuri sa pagbili ng mga ‘frozen egg’ para maiwasan ang anumang kontaminasyon.